Tuesday, April 15, 2014

Jeepney Moments

So true! I can relate!

========================================================================
…yung mga babaeng takip ng takip ng cleavage pag nababa….. kahit wala namang cleavage.
…yung imbis “PARA” yung sabihin mo, “BABYE” ang nasigaw mo.
…yung bababa ka na nga lang mauuntog ka pa.
…yung kumakabog na yung dibdib mo sa lakas ng sounds ni Manong Driver.
…yung sampung piso nga binayad mo itatanong pa sa yo kung ilan. “Kuya, dalawa, babayaran din kita.”
…yung katabi mong akala ata nasa photoshoot at feel na feel yung pag hangin effect sa buhok nya.
…yung may mag-syotang PDA, naiisip mo na lang na, “Dun kayo sa motel maglampungan. Jeep to! JEEP!”
…yung nag -123 ka sa sobrang kahirapan ng buhay.
…yung pinapakain ng katabi mong babae yung buhok nya sayo. Nakakabusog.

========================================================================
…yung may lalaking mukang manyak/snatcher na tumabi sayo ..tapos kung maka-akap ka sa bag mo wagas.
…yung hindi pa pinapanganak yung pasahero hinihintay na ng driver sa may kanto.
…yung tinulungan mong ibaba yung gamit ng isang pasahero tapos iniwanan ka ng jeep!
…yung may makakasabay kang kakilala tapos kunware di mo sya nakita. Di bale nang magka-stiff neck ka.
…yung may sinakay na ataul sa jeep tapos zombie ang laman.
…yung nakatulog yung cute na guy na katabi mo sa balikat mo tapos hinayaan mo lang. Landi pota.
…yung tipong gusto mo nang hamunin ng palakihan ng etits yung mamang todo bukaka sa punuan na jeep.
…yung Guapo ang katabi mo..ngunit..subalit..datapwat..guapo rin hanap niya!
…yung may nakasakay kang dalawang gwapo at mlalaman mong  magjowa pala sila.

========================================================================
…yung bagong baba ka pa lang sa isang jeep tapos may bagong daan na jeep, titigil sa harap mo sabay tanong ng driver “sasakay ka ne?”
…yung natawa ka kase may nahuli kang nangungulangot.
…yung nakita mo sya nangulangot tapos mag-papaabot ng bayad sa yo.
…yung fresh kang sumakay, mukhang bangkay kang bumaba
…yung sobrang bilis magdrive nung driver. “MANONG, NAGMAMADALI KAMING PUMASOK! DI KAMI NAGMAMADALING MAMATAY!”
…yung mag isa ka na lang tapos biglang huminto ang jeep dahil iihi yung drayber.
…yung pumara ka tapos mga after 1km pa huminto yung jeep.
…yung Cute ang katabi + Traffic = Lord, Thank you.
…yung you make pacute when an attractive pasahero is sitting beside/in front of you, make ayos your buhok then make labas ur dimples.
…yung *random guy peeks at your cellphone while you’re texting* you suddenly type: “bakla ako, kiss kita gusto mo?”
…yung di ka na makahinga kasi sa kanan, LASING. Sa kaliwa, MAY PUTOK.
…yung biglang PRENO. Instant DOMINO?

========================================================================
…yung “Manong bayad po oh. Estudyante nag-aaral ng mabuti.”
…yung “Ma, para po, thank you.”
…yung hindi binigyan ng limos yung bata nagsabi ng ‘Mamatay na kayong lahat sabay sabay! Madisgrasya sana kayo!”
…yung uupo sa harapan para makita at matitigan ang sarili sa salamin.
…yung naka-uniform ka na, tatanungin ka pa ng…. “Estudyante?” Hindi Manong. Janitor ako, Janitor!
…yung sigaw ng driver na “Maluwag pa! Maluwag pa! Pwede pa kayong mag badminton sa loob!”
…yung sigaw ng driver na “Maluwag pa! Maluwag pa! Araw-araw ‘tong jeep ginagamit kaya maluwag pa!” 
…yung biglang nag-ring yung phone mo at tapos lahat ng pasahero mapapatingin sa ‘yo.
…yung may gumagalaw na kakaiba. Exhibitionists! Kadiri kayo. Pakyu all.
…yung hindi inaabot yung pamasahe mo at tinititigan lang nila ang kamay mo na para bang first time lang nila makakita ng pera.

========================================================================
IKAW: “Maaaaa, bayad po!” 
PEOPLE: *Pretending to do something*
IKAW: “Bayad po!”
PEOPLE: *stares at you*

========================================================================
IKAW: “Manong, sa LRT po yang bente.”
DRIVER: “Sa LRT?”
IKAW: “Hinde, sa puso mo. Pa ulit-ulet?”

========================================================================
IKAW: “Para po…”
...
IKAW: “Manong, Paraaaa!”
...
EVERYBODY NOW: “Para daw!!!”

DRIVER: “Bababa?”
PASAHERO: “Hindi sasakay ulet!”




(grabbed from maruism)

No comments:

Post a Comment