Friday, March 01, 2013

EXCITED!!!

I'm super excited guys!!!

M and I have decided kasi to finally enroll G this summer sa tennis and swimming lessons. Of course, kelangan niya ng full getup para sa mga sports na yan... OO! KELANGAN NIYA DAHIL SABI KO! HAHAHA!

Bakit hindi diba? Eh ako ang mudra niya na napaka arte, fashionista kuno at shopaholic. I remember nung last year when I've decided that I'll exercise na and go back to the gym... aba! Nagshopping galore ako ng attire ko hahaha! I bought new cross training shoes, 3 dri fit shirts, 2 jogging leggings (my own term ito), new face towels and new socks! Eh maximum 2x a week lang ako sa gym hahahaha!

Pero iba ito! TENNIS ITO! Frustration ko ang gumaling sa tennis! I was not able to finish kasi my training before kaya medyo in between ako ng beginner at intermediate LOL! Hindi pa ako umabot ng todo intermediate dahil sa isa akong maarte na tao na ayaw mapagod hahahaha!

Anyway ayun nga, dahil isa siya sa frustration ko gusto ko maging magaling si G sa tennis at sa swimming dahil hindi ko narin natapos ang intermediate training ko sa swimming. Kaya I'm super excited to shop for G's tennis racquet raket racket (punyeta ano ba spelling nun?!), tennis shoes, tennis attire, swimming attire, goggles and yung parang styro na board na ginagamit for floating... whatever you call it.

I'll post the pictures kapag nakapag shopping na ako!

No comments:

Post a Comment