Thursday, February 21, 2013

Skirt for Kids on Sale!

This is a great shopping find by my mom. Obviously, sa kanya ako nagmana ng pagiging shopaholic mas malalang version nga lang ako. Bakit mas malala ako sa pagiging shopaholic kamo? Here are my answers:

- Lagi ako nasa mall, memorized ko na most of the malls here in the metro!
- There was a time in my life na super addict ako sa shopping, every single day nagsha-shopping ako!
- Syempre there were times na hindi ako nakakapag mall every day so binabawi ko siya kapag weekends... yung dapat na nabili ko for 1 whole week, bibilihin ko siya in 1 Saturday.
- I feel depressed and sad kapag matagal na ako hindi nakakapag mall
- When I was in the US a couple of years ago, nag prepare talaga ako para sa Black Friday sale. Sa sobrang ka-atatan ko mag shop, I forgot to eat na. Imagine, nasa mall na ako ng 7am tapos pagdating ng mga 4pm napansin ko na nahihilo hilo na ako. Yun pala kasi wala pa ako kinakain the whole day hahaha! Pero closing time na ng mall ako umalis kasi sinuyod ko pa every corner ng mall hehehe.
- At dahil nagtitipid ako, I haven't shopped since January of this year. Yan ang dahilan kung bakit minsan nagde-day dream ako about shopping or worse napapanaginipan ko na ang sarili ko na nasa mall at nagsha-shop!

Lol!

Anyway, back to the topic ng post na ito. Since shopaholic nga din ang mom ko, meron siya binili na skirt sa terranova na for kids tapos sale siya. She showed it to me and nagustuhan ko, walang problema kahit for kids lang kasi kasya sakin ang mga clothes na pang kids hahahaha! OO MALIIT KASI AKO... OK LANG CUTE NAMAN LOL!

So ayun nga, she went back to buy me my own skirt:


Terranova Kids Skirt: Php 195 ONLY!

O diba?! Ang cute niya, pang winter siya pero care ko kung walang winter dito sa Pinas. Isusuot ko parin siya! Hahaha! This is a good shopping find kasi 1) on sale siya for 195 Php only! and 2) for kids siya so I'm sure wala ako makakapareho nito na grown up na! HAHAHAHA!

*napaisip ako... dapat ata hindi ko nilalagay dito where I am buying my clothes para wala ako masyado kapareha... masungit pa naman ako! >:) *

No comments:

Post a Comment