Thursday, February 14, 2013

Jampacked Wednesday Night

Marami akong kwento sa mga nakita, napagusapan and nangyari last night. Please wag na pakielaman kung magulo ang kwento ko, ganun talaaga ako... try niyo nalang intindihin, ententido? (naks! sumaspanish di ko naman alam kung tama haha!)

Okay, so to start off, last night was a record breaker grocery shopping for me! Done AND paid in 15 minutes! Whoa diba? If you know me personally (lalo kung close tayo) alam mo na lahat ng sulok ng grocery pinupuntahan ko dahil baka may makalimutan ako. Minimum sakin ang 2 hours para mag grocery, pero last night feeling ko talaga nanalo ako sa marathon hahahaha!

I know, ang babaw at walang kwenta pero achievement na siya para sakin hehehe. After that, I needed to go naman to Greenbelt 1. So from Landmark, nilakad ko hanggang GB1 na bitbit on one hand ang 4 kilos ng chicken nuggets and on the other hand 2 bags na puro chips! Exercise kung exercise, sana nawalan ako ng mga 10 lbs worth of taba dun hahaha!

After GB1, GB5 naman ang next stop ko to have dinner and drinks dapat with M and our friends. Sa walang kamatayang Chili's nanaman kami nag meet... chit-chat, chit-chat... check facebook... AND what did I see??? Picture lang naman ng isang friend na nagyayabang! Oo, affected ako kasi mayabang din ako bwahahaha! Hindi, pero ito kasi ha ang turo sakin ng aking mother dear: Ipagyabang mo lang ang kung ano ang meron ka, wag na wag ipagyayabang ang hindi iyo or wala ka. E ano nga ba ang nakita ko na picture na kinainisan ko??? Secret! Wag na ipost dito hahaha! Basta may kinalaman siya sa payo sakin ng madir ko... YUN NA!

Next destination namin ay Cerveseria in GB3. Inom, inom kami, chikahan (chikahan pero mga boys ang kasama ko haha!) then after a while, pagbalik ng kasama namin na Australian galing sa CR sabi niya:

J: "I got picked up! Guess what pick up line he/she/he/she used!" LOL! Undecided siya kung He or She ang itatawag!

Hula naman kami... walang nakatama.

J: "This is what he said..."
Pick-up girl: "Hi! How you doing?"
J: "I'm good thanks!"
PUG: "Don't you remember me?"
J: "No, I don't think so..."
PUG: "You f*cked me 5 years ago!"

And then J hurriedly went back to our table! LOL!

In fairness, it was a good pick-up line. Effective siguro to some...


O ito, last kwento na... we (Me, M, Y and N) are walking palabas ng GB3 and was talking about something sabay sabi si M ng:
M: "Ano nga yung slogan ng Mercury drug? Gamot ay laging sariwa?"
Me: "TANGA! Gamot ay laging bago!"

Pahabol pala, ganito ka baliw si M:

pasensya, wala ako photoshop. mspaint lang.

That's all. Bow.

No comments:

Post a Comment